Health

 Your Rights: Pregnancy, Child Birth, and Maternity Leave Part 1

Pregnancy Rights of Women

Lahat ng mamamayan ay may karapatan sa batas ng Diyos at bayan. Ang mga makapangyarihan at makatarungang alituntuning ito ang siyang nagbibigay sa isang bansa ng kaayusan at kaunlaran sa kabuuan. Sa bansang Japan, ang kababaihang nagdadalang tao ay may kaniya–kanyang karapatan na iginagalang at sinusunod ng pamahalaang Hapon. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang karapatan ng mga kababaihan sa panahong sila ay nagdadalang tao na.

Ang mga tinaguriang “working women of Japan” ay mga karampatang working laws na dapat malaman upang sila ay mas higit na maging masaya sa kanilang trabaho at buhay pamilya. Sadyang hulog ng langit ang Child Care and Family Care Leave Law, which was lawfully amended almost six years ago. Una sa lahat, di lamang ito para sa mga ina kundi ang batas na ito ay sadyang ginawa para rin sa mga ama ng tahanan na nagtatrabaho. Alamin natin ng mas malaliman ang ilan sa mga batas na ito.

 

Pregnancy Rights of Women

Sakaling ang isang babae na empleyado ay nagdadalang tao at kailangan ng maternity check-ups, ang  bawat employer ay kailangang maglaan ng sapat na oras na magagamit ng kanyang empleyado sa napakadelikadong panahon ng pagbubuntis. Kasama sa mga karapatang ito ang pagbibigay ng gabay o guidance na may kaugnayan sa kalusugan at iba pang mga medical exams, ayon sa itinakda ng Maternal and Child Act. This is otherwise known as the Act on Securing of Equal Opportunity and Treatment Between Men and Women as stated in Article 12 of the said law.

Ang changes or reduction in working hours ay mahigpit na ipinatutupad ng  pamahalaan upang makasunod ang mga buntis sa mga tagubilin ng kanilang  mga doctors at ng Artikulo 13 sa pareho ring pangkahalatang batas.

Sa usapin naman ng dayoff during and after a working woman’s pregnancy, siya ay di maaaring magtrabaho sa loob ng six weeks before her expected date of delivery. Sa kabilang dako, kung ito ay multiple fetuses naman ay may duration period ng 14 days before her delivery date.

Ano- ano naman ang mga after birth rights ng mga nagdadalang tao? Alamin sa susunond na isyu ng artikulong ito.

 

Image from Daniel Lobo/Flickr

To Top