¥ 10 Lapad na cash aid, Natanggap na sa 84 na Lungsod
Ang Ministry of Internal Affairs and Communications ay inihayag na ang mga pagbabayad ng tulong pinansyal na ¥ 100,000 ay nagsimula na gawin sa 84 lungsod, na katumbas ng 5% ng buong Japan.
Ang proseso ng pagpaparehistro at pagbabayad ay isinasagawa ng city hall ng bawat lungsod. Depende sa bilang ng mga naninirahan, ang proseso ay maaaring mas matagal at sa kadahilanang ito, mayroong mga tao na hindi pa nakakatanggap ng form sa pagrehistro
Ang mga numero na inilabas noong May 8, ay nagpapahiwatig na 292 na lungsod ang nakapagpadala na ng form sa pamamagitan ng mail sa mga residente at 1,116 na lungsod naman ay nagsimula sa pagpaparehistro online.
Sa buong bansa, humigit-kumulang 510,000 katao ang nag-apply na online upang makatanggap ng tulong pinansyal.
Layon ng ministeryo na mag-alok ng higit pang suporta sa mga city hall na hindi pa nagsisimula sa pagpapatala at pati na rin sa mga bata na nabiktima ng karahasan at napapaloob sa mga institusyon, na hiwalay sa kanilang mga magulang. Ipinahayag ng gobyerno na gagawin nito ang mga kinakailangang hakbang upang awtomatikong mapaabot ang pera ng mga bata.
Source: NHK NEWS