Accident

4 na kataong nawawala sa landslide, patuloy pa ring pinaghahanap

Natagpuan na ang labi ng isang bangkay sa naganap na landslide kamakailan sa Nakatsu City, Oita Prefeture noong gabi ng April 15,2018. 4 na katao pa ang patuloy na pinaghahanap magpasahanggang ngayon.

Matatandaang noong ika-11 ng Abril, nagcollapse ang isang bahagi ng lupa sa likuran ng isang bahay sa Nakatsu City at 4 na building ang tinamaan ng nasabing pagguho na kung saan 2 tao ang kumpirmadong patay at 4 na tao ang nawawala dahil sa insidente.

Nagumpisa muli ang paghahanap sa nawawala noong hapon ng April 15,2018 matapos humupa ang pagulan ulan sa nasabing lugar, bandang alas 10:30 ng gabi narecover ang isang bangkay.

Patuloy pa rin ang rescue operation na kung saan ay tulong tulong na sa paghahanap ang mga kapulisan, bumbero, SDF at iba pang kawani ng gobyerno.

Source: ANN News

4 na kataong nawawala sa landslide, patuloy pa ring pinaghahanap
To Top