Accident

CHIBA & IBARAKI: DROWNING ACCIDENTS!

Ilang kaso ng pagkalunod ang naitala nitong nakalipas na weekend lamang. Dahil sa summer vacation na sa eskwelahan ng mga bata kadalasang nagpupunta ang mga pamilya sa beach, river o di kaya naman sa iba pang paliguan para magchill at magpalamig.

Sa chiba isang Jetski driver na may edad ng 40 anyos ang nagmamaniubra ng isang jetski habang hinahanap ang isang kaibigan nang bigla na lamang syang salubungin ng isang alon at hindi nakapaghanda kung nalaglag sa kanyang jetski at nalunod.

Sa ibaraki naman, isang Vietnamese national ang magisang lumalangoy nang bigla na lamang tangayin ng isang current at nilamon na lamang ng karagatan. At bigla na lamang nawala.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top