Crime

Ex-girlfriend, tinangkang itago sa apato ng dating kasintahan sa loob ng 36 oras

Na-aresto ang 34 anyos na lalaki matapos niyang kulungin ang kanyang ex girlfriend sa kanyang apartment ng 36 oras.

Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Shinichi Asano ay itinago ang kanyang ex girlfriend na nasa 20’s sa kanyang apartment sa Nakagawa ward at tinakot na papatayin ito kung siya ay aalis.

Ayon sa babae, nakipag hiwalay umano sya kay Asano at pumunta lamang sa kanyang apartment para kunin ang kanyang mga kagamitan mga alas 11 ng gabi noon March 27. Noong nasa loob na sya, sinarado ni Asano ang pintuan at tinakot na papatayin siya nito kung siya ay aalis.

Matagal na raw umanong sino-stalk ni Asano ang babae pero noong alas 6 ng gabi ng March 28, nakapag padala siya ng mensahe sa kanyang kaibigan sa LINE at humingi ng tulong. Ang kaibigan niya naman ay tumawag ng mga police at pumunta sa apartment ni Asano mga alas 12 ng tanghali noong March 29.

Ayon sa mga police, tinanggi ni Asano ang mga paratang sakanya at ni minsan ay hindi nya tinakot ang kanyang ex-girlfriend.

Ex-girlfriend, tinangkang itago sa apato ng dating kasintahan sa loob ng 36 oras
To Top