News

LANDSLIDE AT IBA PANG PINSALA NG BAGYO, 2 PATAY

Sa kakatapos lang na bagyo sa buong bansa nagkaroon ng landslide sa Mitake city, Kagawa prefecture, at isang babae ang natagpuan wala ng buhay dahil nadaganan sya sa loob ng kanyang bahay.

Noong September 17 bandang alas 9:20 ng makatanggap ng tawag ang 110 na report na may bahay na natampukan ng landslide. Ang report ay galing sa isang lalaki na taga Mitoyo. Nagsagawa ng search and rescue ang mga police at bombero kay Tamura Tokuya (86) mother-in-law ng lalaking nag report at natagpuan ng walang buhay ang matanda.

Bukod pa dito, may isa din patay na natagpuan sa Shimanto Town, Kochi Prefecture, ang sasakyan ay nahulog sa umaapaw na ilog noong tanghali ng September 17. At na recover ng mga police at bombero ang sasakyan noong umaga ng September 18 nang bumaba na ang tubig sa ilog at natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Source: ANN News

To Top