Accident

LIGHTNING STRIKED IN OKINAWA,1 DEAD!

Mag-ingat sa pagpupunta ng mga beaches kapag makulimlim at hindi maganda ang panahon dahil, maliban sa pagkalunod ay maaaring may mga ganap na hindi inaasahan tulad na lang g pangyayari sa isang beach sa Okinawa.

Patay ang isang lalaki sa itoman-shi matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa beach kasama ang iba pang kasama. Naitala ang insidente kahapon bandang 2:45 ng hapon. Tumama ang isang kidlat sa grupo ng 4 na kalalakihan kung saan ay nasawi ang isa.

Ayon sa isang saksi, tumama ang kidlat sa mismong biktima na dahilan ng kanyang pagkasawi.

Samantala, binalaan na umano sila ng mga lifeguard ng naturang beach na lisanin na ang lugar dahil sa ito ay delikado na para sa mga guest na magpatuloy. Ilang sandali bago maganap ang naturang aksidente.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top