News

Mag-ingat sa nauusong PITU APP

Usong-uso ito ngayon pero may concern ang isang mapagmatyag na netizen tungkol sa app na ito. na sa tingin nya raw ay maaaring makakuha ng mga personal information sa user ng app na ito dahil raw sa mga hinihingi nitong permission to allow tulad na lang ng paggamit ng microphone na hindi naman kailangan sa pagedit ng picture gamit ang app na ito, o kaya naman ang pagbibigay pahintulot sa pitu app to close other running apps o ang automatic run sa start up pa lamang.
Sumasang-ayon naman ang mga tech experts pagdating sa ideyang ito.
wala pa namang napapatunayang naiscam o napahamak gamit ang nasabing application pero mainam ng maging mapanuri tayo mga kababayan. Hindi porke’t uso magsisipagsunuran tayo, kailangan maging safe pa din tayo sa kahit anumang cybercrimes na posible sa modernong panahon ng kasalukuyan.
Sa mga nakasubok na, may napansin ba kayong dapat ika-alarma ng netizens sa pagdownload sa app na ito?
Anong masasabi ninyo?
Mag-ingat sa nauusong PITU APP
To Top