Living in Japan

MGA LUMANG AUTOMATIC MACHINES

Ang mga lumang automatic vending machines ay nauuso na naman. Sa isang tindahan sa siyudad ng Gyoda sa Saitama, ang mga iba’t-ibang klase ng vending machines ay nakaka-tawag ng pansin sa mga fans na galing sa iba’t-ibang rehiyon ng Japan para lamang ma enjoy ang mga ito. May mga machines na nagbebenta ng sandwiches, hamburger, pasta, … lahat ay naka-linya at nasa perperktong kondisyon. Minsan ang mga may-ari ng establishment ay hindi makamit ang supply ng mga machines dahil sa malaking demand ng mga pagkain. Ang mga customers ay pawang nagiging nostalgic at nami-miss ang lasa ng pagkain na madalas na kinakain noong bata pa.

Source: ANN News

To Top