News

NAGANO: NAWAWALANG AUSTRALIAN FAMILY NATAGPUAN NA

Ang Australian family na nawala sa tuktok ng Kenashiyama Mountain sa Nagano Province ay na-rescue na at lahat ay nasa mabuting kondisyon. Ang nanay at 3 nyang anak ay nag-skiing subalit bigla itong nahiwalay sa trail nito. Sa pamamagitan ng facebook ay ipinaalam nila sa kanilang kakilala na nasa labas ng Japan para ipaalam ang kanilang sitwasyon at tinawagan naman agad ng kakilala nila ang ski resort para humingi ng saklolo. Para ma-protektahan nila ang mga sarili sa lamig, naghukay sila ng butas sa snow at doon sila nagpalipas hanggang umaga. 

Source: ANN News

To Top