General

PINAY NURSE RECEIVED MILLIONS OF UK POUND FROM PATIENT

UNITED KINGDOM (UK) – Isang napakaswerte nating kababayan ang nakatanggap ng milyong halaga ng regalo galing sa pasyenteng kanyang inalagaan.

Si Hadassah Peri, isang Pinay nurse, ay nag-alaga kay Huguette Clark nang ilang taon. Si Clark ay ang bunsong anak ni Senator William Clark na kinikilala ring isa sa pinaka-mayamang tao sa Amerika.

Labindalawang oras ang ginugugol ni Peri sa pag-aalaga sa tagapagmana ng mga Clark nung maglaon nag-umpisa nang bigyan siya nito ng mga regalo. Nakatanggap ng pitong bahay at isang Bentley na kotse mula kay Huguette. Gayundin ang isang Cezanne painting at antigong biyolin na naipalit sa pera. Binayaran din ni Huguette ang lahat ng medical bills at tuition fees ng mga anak at buong pamilya ni Peri.

Noong 2011 ay namatay si Huguette at tumanggap si Peri nang nagkakahalaga ng labinwalong milyong (in UK Pound) na regalo upang kabayaran sa kanyang 20 taong serbisyo sa milyonaryong pasyente nito. At hindi pa natatapos diyan, nakatanggap pa ng karagdagang 8.75 milyong (in UK Pound) na halaga ng pera mula sa Last Will and Testament ng kanyang pasyente.

Ngunit nagkaroon ng malaking issue sa Last Will and Testament ni Huguette na nakarating pa hanggang sa korte upang maipa-walang bisa ang huling testamento. Kalaunan ay isinuko din ni Peri ang milyong halaga ng pera at binayaran niya lahat ng regalo sa kanya ni Huguette na nagkakahalaga ng 3 milyon (in UK Pound).

Sa tingin nyo mga kababayan, hindi ba’t deserving naman si Peri sa mga natanggap niya mula kay Huguette dahil sa katapatan, dedikasyon at malasakit nya sa kanyang trabaho at pasyente?

panuorin sa ibaba ang video ng isa sa mga paglilitis na naganap kay peri.

SOURCE: ABS CBN, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

 

To Top