General

RENOVATION SA ASAKUSA ISA DIN NA TOURIST ATTRACTION

Ang maganda at sikat na ” portal of thunder ” sa Asakusa, Kaminarimon, ay sumailalim sa renovation simula ngayong buwan na inaasahang matatapos hanggang October. Kahit na ganito, hindi pa din nababahala ang mga bisita. Madami pa din ang patuloy na kumukuha ng litrato sa entrance kung saan sumasailalim sa renovation. Ang dahilan? May isang malaking canvas na naka-print at nakalagay sa renovation site para hindi madismaya ang mga bisita kapag dumating sa lugar. Sa kasalukuyan, ang ganitong tipo ng produkto ay madalas na ginagamit sa mga tourist spots upang mapanatili ang appearance ng lugar.

Source: ANN News

To Top