Crime

SCAMMERS ARRESTED IN TOKYO

TOKYO – Naaresto ang dalawang lalaki na sangkot umano sa pandaraya ng 4.6 milyong yen na halaga ng insurance.

Isang grupo na binubuo ng apat katao ang sagkot ngayon sa pandaraya sa insurance ng kotse. Naaresto sina Ohno SeiJiro, 59 taong gulang at si Terada Atsushimi, 41 taong gulang.

Ayon sa balitang ito, ang mga umano’y suspek sa pangdaraya ay sangkot sa isang aksidente. Nagkabanggaan ang mga kotse ng mga naarestong suspek at nagsabwatan umano ang mga ito upang maka-kikil ng pera sa insurance company sa halagang 4.6 milyong yen.

Napag-alaman din na ang mga suspek ay nakapang-kikil na ng mahigit 36 milyong yen mula pa noong taong 2011 sa parehong modus.

SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.

To Top