General

SINGER THAT TOOK STABS OUT OF COMA

2Ang pop singer na si Mayu Tomita, 20, na nasaksak sa isang fan, ay nagkamalay na matapos ang dalawang linggong pagkakakoma.

Si Mayu ay sinaksak ng 20 beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang leeg at dibdib, at naratay sa pagkakakoma mula pa noong Mayo 21.

Ang fan na sumaksak ay si Tomohiro Iwazaki, 27, na naaresto at sumasailalim sa isang mental health exam.

Ayon sa mga lokal na ahensiya, si Mayu ay nagkamalay na noon pang Hunyo 3, ngunit isinapubliko lamang nitong gabi ng Hunyo 8.

Naghihintay ang mga pulis ng pahintulot mula sa mga doktor upang makapagtanong sa biktima ukol sa insidente.

Ang pag-atake sa mang-aawit ay naganap noong Mayo 21, bago magsimula ang paglabas ng mang-aawit sa isang palabas sa Koganei (Tokyo).

Si Iwazaki ay lumapit kay Mayu at sinaksak ng maraming beses. “Gusto ko siyang mapangasawa” ito ang nasabi niya sa interogasyon na ginawa sa kanya. Inamin niya na sobra siyang nasaktan maatapos isauli ng singer ang relos na kanyangi binigay bilang regalo. Ang suspek ay nagpadala din ng ilang mga hindi kanais-nais na mensahe sa biktima sa pamamagitan ng social network.

Panoorin ang ulat ng ANN News report na naipalabas noong May 25.

To Top