Crime

TOKYO: MAN ARRESTED FOR CONDOM

TOKYO – Isang 58 taong gulang na lalaki ang naaresto dahil sa “suspicion of property damage”. Nahuli ang suspek na naglalagay ng isang condom na puno ng “semen” sa bag ng isang estuudyante.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay naganap nitong buwan ng Mayo sa istasyon ng Kokkaigijido-mae sa Tokyo Chiyoda Ward. Kinilala ang suspek na si Kiyoshi Kuroda, 58 na taong gulang, isang janitor sa Toride, Ibaraki Prefecture. Sinasabi sa balita na ang suspek ay nahuling naglalagay ng isang condom sa bag ng isang estudyante na puno ng kanyang “semen”. Ang nasabing estudyante ay nakatayo lamang sa “platform” sa istasyon habang papasok na sa eskwela nang mangyari ang insidente.

Ayon pa sa report, inamin ng suspek ang kanyang nagawa at nadala lamang siya ng stress sa trabaho. Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakaugnay ng balitang ito sa iba pang kahantulad na insidenteng nairereport sa pulisya.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

 

To Top