News

58 Katao Patay at Mahigit

58 KATAO PATAY AT MAHIGIT 500 KATAO ANG SUGATAN SA LAS VEGAS SHOOTING

Sa isang insidente ng pamamaril sa Las Vegas, ito ay ang pinakamalala na shooting incident sa kasaysayan ng America. 58 katao ang naiulat na nasawi sa insidente.

Mahigit 15 oras na ang nakakalipas mula ng nangyari ang insidente at nananatili pa din naka sara ang lugar kung saan nangyari ang pamamaril. Ang lugar na ito ay palaging madaming tao na puno ng mga turista subalit ngayon ay wala itong tao.

Isang 64-years-old na lalaki ang nagpaputok ng riffle sa isang concert na kung saang may mahigit 20,000 katao ang dumalo. 58 katao ang namatay at mahigit 500 katao ng sugatan. Ayon sa police, namaril ang suspect mula sa kwarto na nasa 32nd floor ng isang sikat na hotel, pagkatapos mamaril ay nagpakamatay ang suspect, natagpuan siya ng mga police na may 10 high powered na mga baril at kitang kita na pinagplanuhan ng maigi ang krimen. Sa sobrang dami ng mga sugatan, madami ang mga nananawagan na mag donate ng dugo upang masalin sa mga sugatan.

Source: ANN News

To Top