Crime

Filipino mother arrested for beating son

Inaresto sa Atami, Japan ang isang 51-anyos na babaeng Pilipino matapos umanong bugbugin ang kanyang teenage son gamit ang sinturon at kamao.

Nagkaroon ng pasa sa kanang balikat at sugat sa labi ang binatilyo. Nadiskubre ang insidente matapos ireport ng anak sa pulisya na sinaktan siya ng kanyang ina.

Bahagyang itinanggi ng babae ang paratang at sinabi sa mga imbestigador na ang paghampas gamit ang sinturon ay bahagi lamang ng pagdidisiplina sa kanyang anak.

Source: Shizuoka Asahi TV

To Top