5 million customers overcharged
By
Posted on
Mahigit 5 milyong customer ng Chubu Electric Power ang nasingil nang sobra sa loob ng mahigit dalawang taon dahil sa maling pagkalkula ng gastos. Apektado ang humigit-kumulang 57% ng kabuuang customer base ng kumpanya, at halos kalahati sa kanila ay mga household.
Umabot sa humigit-kumulang ¥1.2 bilyon ang kabuuang sobrang singil. Karaniwang ¥10 kada buwan ang labis na singil sa isang household, habang umabot sa ¥152 para sa ilang negosyo. Apektado rin ang ilang lokal na pamahalaan sa bayarin sa street lights.
Plano ng kumpanya na ibalik ang sobrang bayad, ngunit wala pang itinakdang petsa o paraan ng refund.
Source: Jiji Press / Larawan: Illustrative
