Four children missing after blaze
By
Posted on
Nasunog ang isang bahay sa lungsod ng Tsu, Mie Prefecture, Japan, noong hapon ng Oktubre 2. Matapos ang halos dalawang oras na pag-apula sa apoy, apat na bangkay ang natagpuan sa mga nasunog na labi ng bahay.
Isang 38-anyos na Brazilian na nakatira sa bahay ang nagtamo ng paso sa kanang kamay. Bahagya ring nasugatan sa mga kamay ang isang 43-anyos na babae.
Hindi pa rin makontak ang apat na bata: ang 4-anyos na anak na babae ng Brazilian at tatlong anak ng babae na nasa pagitan ng 10 at 13 taong gulang. Hinala ng pulisya na ang mga natagpuang bangkay ay ang apat na bata. Patuloy ang pagkilala sa mga biktima at imbestigasyon sa sanhi ng sunog.
SOURCE: TV ASAHI / LARAWAN: ANN
