General

Haka-haka Sa Mga Uri ng Personalidad

Ano nga bang uri ng personalidad ang mayroon ang isang tao? Alamin ang kinabibilangan ng iyong grupo ayon sa iyong personalidad at katangian.

 

TYPE A:

 

Mataas ang enerhiya, mahilig sa paligsahan, mabilis kumilos at mag-isip, positibo, palaban, mapumilit at mapusok. Parating abala sa sariling proyekto. Kung nangangamba at nakakaramdam ng panganib ay kumikilos agad upang labanan ang mga ito. Binabago ang takbo ng buhay sa mas mabilis na paraan.

 

TYPE B:

 

Ang uri ng personalidad na ito ay siyang kabaliktaran ng type A. Sila ay ang masyadong relaxed at hindi gaanong nakakaramdam ng pagod. Mababa ang enerhiya at mahinhin kumilos. Matagumpay rin ang mga type B ngunit hindi ito katulad ng type A na hindi umuurong sa laban. Parating pinaghihinta ang trabaho at kikilos lamang kapag gipit na sa panahon. Mahilig magpabukas ng mga bagay bagay.

 

TYPE C:

 

Kinikimkim sa sarili ang emosyon, detalyado ang mga bagay at pag-iisip, nag-uukol ng panahon sa mga bagay na dapat maisaayos, ito ay ang mga taong naaayon para sa mga technical jobs. Ayaw ng gulo. Hindi mapagpumilit at pinipigilan ang sariling kagustuhan kahit salungat pa sa damdamin. May kakulangan sa pagpupunyaging makuha ang isang bagay na dapat pagpaguran at kung minsan ito ang labis na nagdudulot ng kalungkutan. Mabilis malungkot.

 

TYPE D:

 

Ang mga type D ay ang kumakatawan sa distressed at napakalungkot. Negatibo ang pag-iisp at pananaw sa buhay. Madaling masiraan ng loob at magpaniwala sa panig na masama. Sila ang tinatawag na “pessimistic”. Ang maliliit na bagay o pangyayaring hindi maganda at masyadong mahalaga ay maaring maging dahilan ng pagkasira ng araw niya. Maramdamin at mahilig magkimkim ng nararamdaman. Mailap sa mga tao dahil may pangambang hindi siya tatanggapin sa lipunang ginagalawan niya.

 

Alin ka sa mga ito?

 

Source: KMC

To Top