Accident

HAMAMATSU: ELEMENTARY STUDENT NASAGASAAN NG GARBAGE TRUCK, PATAY

Isang batang babae na elementarya ang nasagasaan at namatay ng isang garbage truck sa isang kalsada ng lungsod sa Hamana District, Hamamatsu City. Inaresto agad ng pulisya ang driver ng garbage truck at masusing iniimbestigahan ang mga pangyayari sa aksidente.

Bandang 3:20 ng hapon noong ika-13 n Mayo, may natanggap na tawag ang bumbero na nagsasabing ‘isang batang babae, na nasa mataas na grado ng elementarya, ang nasagasaan ng sasakyan’ sa isang kalsadang panlungsod sa Shinbara, Hamana District, Hamamatsu City.

Ayon sa pulisya, ang bata, na nasa ika-apat na grado sa elementarya, ay tumatawid sa kalsada gamit ang kanyang bisikleta nang masagasaan siya ng isang dumaan na garbage truck. Nang dumating ang mga pulis, ang bata ay walang malay at nakahandusay sa lupa at kalaunan ay kinumpirma ang kanyang kamatayan.

Pagkatapos umuwi mula sa eskwelahan, lumabas ang batang babae gamit ang kanyang bisikleta. Natagpuan malapit sa kanya ang kanyang bisikleta at helmet, na pinaniniwalaang pag-aari niya.
https://www.youtube.com/watch?v=dn3IFZtb8xQ
Inaresto ng pulisya sa lugar ng insidente si Naoya Fujita, isang empleyado ng kompanya mula sa Chuo Ward, Hamamatsu City, na 60 taong gulang, sa suspetsa ng reckless driving resulting in injury, at nagpasya na baguhin ang kaso sa reckless driving resulting in death upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Ang lugar ng aksidente ay nasa residential area sa isang lane na kalsada ng lungsod, at patuloy ang detalyadong imbestigasyon ng pulisya sa mga pangyayari.

NHK NEWS AND ANN NEWS
May 13, 2024
https://www3.nhk.or.jp/news/html/20240513/k10014448061000.html

To Top