Ang Seven Bank ay isang bangko sa Japan na nagsimula pa noong Marso 2011. Ito ay may serbisyong International Money Transfer para sa mga foreigner na naninirahan sa Japan na ang layunin ay makapagpadala ng pera sa ibang bansa. Ang transaksyon ay maaaring gawin anumang oras na gustuhin at mayroong mobile at internet banking service. Ang serbisyo ng Seven Bank ay lumawak sa pagkakaroon ng ATM machines na nagsimula noong Hulyo 2011 at sa kasalukuyan ay mayroong ng 22,000 locations nationwide. Maaari itong matagpuan sa lahat ng 7-11 stores sa Japan, istasyon ng tren, paliparan at iba pa. Para sa mga users, hindi mahirap ang transaksyon sapagkat mayroon itong English at Japanese telephone customer support. Noong Nobyembre 2011 naman ay sinimulan ng dagdagan ang telephone support ng iba’t ibang lingwahe kabilang na dito ang Chinese, Spanish, Portuguese, at Tagalog. Sa ngayon ay mayroong 12 languages ang maaari ng pagpilian sa mga ATM machines. Patuloy na tinatangkilik ng karamihan ang serbisyo ng Seven Bank sapagkat ito ay napakadali at napakabilis gamitin.
Good news para sa mga taga AICHI ipinakikilala namin ang
SEVEN Bank Sakae-Nagoya Branch!
0120-447-877
Business Hour: Everyday 10:00 ~ 18:00
However, we will conform if the Ainz & Tulpe
Hirokoji Place Store is closed for holiday.
Name: Rina Nakano, 31, Staff
Q: Saan ang tirahan sa Pilipinas?
A: Silang, Cavite City
Q: Gaano ka na katagal na naninirahan sa Japan at gaano na rin katagal sa serbisyo ng Seven Bank?
A: 11 years na akong naninirahan sa Japan at 3 years na ako sa Seven Bank.
Q: Anong uri ng serbisyo ng Seven Bank ang mas tinatangkilik ng mga kababayan nating Pilipino sa Japan?
A: Maraming mga Pilipino halimbawa nalang ang mga trainee ang sumubok na sa serbisyo ng Seven Bank. Pinakamalakas na rito ay ang remitance or money transfer service. Karamihan sa kanila ay wala ng oras para pumunta pa sa mga padalahan. Ang serbisyo ng Seven Bank kung ihahalintulad sa iba ay mas mahal ngunit mas convinient. Dahilan na lamang na mas pinabilis ang pagtanggap ng pera sa pinadalahan at 24 hours available ang service, anytime kahit pa pagtapos ng trabaho.
Q: Ano ang kabutihan at kapakinabangan ng loan service sa serbisyo ng Seven Bank?
A: Mababa ang bayaran monthly ng loan service sa Seven Bank. Mayroong Ұ 100,000 para sa Ұ5,000 monthly lang na babayaran, Ұ 300,000 at Ұ 500,000 naman ay Ұ 10,000 lang kada buwan. Kung mas malaki ang ibabayad mo sa loan monthly, mas mababa rin ang interest.
Q: Kuntento ba ang mga kliyente sa pagkakaroon ng branch ng Seven Bank sa Sakae, Nagoya?
A: Marami na rin ang sumubok at naging masaya sa serbisyo ng Seven Bank hindi lang sa branch na ito. Bago pa lamang ang branch ng Seven Bank sa Sakae, pero para sa mga kliyente na bumabyahe pa ng malayo para lang pumunta sa Seven Bank na kilala nila at para rin sa hindi pa aware sa Seven Bank na gustong sumubok, narito na ang Sakae branch. Ang lokasyon ng aming tanggapan ay pinakamalapit sa Sakae Station, exit #12.
You must be logged in to post a comment.