Lifestyle

Japan-Philippines Partnerships for Road Construction

Japan-Philippines Partnerships for road construction

Ang kaunlaran ay sandigan ng isang matatag bansa kung ito ay may katuwang sa bawat hakbang tungo sa maginhawang pamumuhay. Salamat sa patuloy na suporta ng Japan ukol sa mga iba’t-ibang mga proyekto na may kaugnayan sa  pagpapaggawa ng mga pangunahing kalsada para mas mapabilis ang ating paglalakbay sa bawat saglit. Ilan sa mga popular na proyekto ng Japan-Philippines Partnerships for road construction ay ang nasa probinsya ng Davao, na iminungkahi ng Department of Public Works and Highways. Ito ay popondohan ng Japan upang maisakatuparan ang nasabing road construction and development project.

Davao Bypass Construction Project

Ayon sa ulat ng Sun Star Davao, ang kabuuang halaga ng road project ay nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 878.3 million. Sa pagtatapos ng road development, nakatakda itong tawagin na Davao Bypass Construction Project Package 1 with South and Center sectionsava. Layunin nito ang pagpapalakas at pagbabago ng logistics at upang mabawasan ang road congestion sa Davao City. Ito ay sa pamamagitan ng two-lane 28.8 km bypass na binubuo ng mga kalsada, tunnel at bridge sections.

Yen Loan Projects

Sa  pagsasakatuparan nito, ito ay bahagi ng two-part Yen loan projects na pinirmahan ng Japan at Pilipinas. Kabilang rin ang mga sari-saring development projects na nagkakahalaga ng Php 13 bilyon sa kabuuan. Si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa at Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ay nagpalitan ng mga notes sa isa’t-isa bilang katibayan ng kanilang matibay na social reform partnership na tutugon sa mga pangangailangan ng Metro Manila  Priority Bridges Seismic Improvement Project

Ayon sa Japanese Embassy, “Japan believes that these projects will strengthen not only the friendship between the peoples of Japan and the Philippines, but also the existing strategic partnership between Japan and the Philippines.” Gayun din, “These projects reaffirm Japan’s steadfast commitment in assisting the Philippines in achieving its goal of quality infrastructure development, while strengthening the Strategic Partnership between our two countries.”

Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project

Isa pang proyekto na nakapaloob sa parehong loan program ay ang Metro Manila Priority Bridges Seismic Improvement Project. Ito ay may layuning higit pang patatagin ang tinatawag na resilience factor ng transport network ng Metro Manila sa mga kalamidad tulad ng lindol at iba pa. Nagkakahalaga ng Php 978.3 bilyon ang nasabing road project mula sa Japan.

Abangan ang iba pang mga pangunahing road projects na sinimulan ng isang matatag na partnership ng Japan at Pilipinas upang ang tunay na  kaunlaran ay maging kabahagi ng ating buhay magpakailanman.

Image source: GMA Network News and Philstar

To Top