Crime

Japanese arrested for selling unregistered bonds of Philippine company

Siyam na katao, kabilang ang mga dating lider ng kumpanyang nakabase sa Pilipinas na SD Vision Holdings (SDH), ang inaresto ng Tokyo Metropolitan Police dahil sa umano’y paglabag sa Financial Instruments and Exchange Act matapos magbenta ng corporate bonds nang walang rehistro sa Japan. Kabilang sa mga inaresto si Kazushi Sumi, 45 taong gulang, na tinutukoy bilang aktwal na tagapamahala ng kumpanya, at ang dating presidente nitong si Aoi Ikeda, 38 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, tinatayang humigit-kumulang ¥171.4 bilyon ang nalikom ng grupo mula Mayo 2021 hanggang Hunyo 2023 sa pamamagitan ng hindi awtorisadong pagbebenta ng bonds sa tinatayang 2,400 katao sa buong Japan, gamit ang mga lokal na ahente para mangalap ng pamumuhunan.

Ipinromote umano ng mga suspek ang kumpanya bilang kasali sa mga industriya ng pananalapi at real estate sa Pilipinas, iginiit din nila na mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Nangako sila ng taunang kita na 6% hanggang 24%, ngunit tumigil sa pagbabayad ng dibidendo noong Enero 2024 at hindi rin naibalik ang karamihan sa punong puhunan, dahilan ng mga alitan sa mga mamumuhunan.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na kalagayan ng pananalapi ng SDH at kung tunay na kumikita ito sa mga negosyong ipinahayag nito.

Source: Jiji Press / Larawan: Nippon TV

To Top