Ang kakaibang food culture ng isang bansa ay siyang salamin kung paano ito naimpluwensiyahan ng kasaysayan sa loob ng mahabang panahon. Sa Japan, ito ang tinatawag na food dynamics ng mamamayan nito . Simulan natin sa pagtalakay ng Japanese Imperial rations. Ayon sa mga dalubhasa, ang mga food rations ay dapat matatag, payak at dapat tumagal ng di kailangang ilagay sa refrigerator. Ibinibigay ang mga rations na ito doon sa malalawak na palayan at niluluto nila ito malapit sa battlefield. Ito ay issued ng Japanese Imperial Government. Ang food rations ay binubuo ng mga sumusunod: kanin, barley, karne, isda at gulay. Sa pangkaraniwang food rationing, ang sukat ng kanin ay one and a half cups of rice with barley.
Nagbibigay rin ang pamahalaan ng canned or preserved food items, ngunit ito ay hindi madalas. Sa kabilang dako, ang matinding kagutuman ay naranasan rin ng kanilang mamamayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay dahil mas binigyang halaga ang strategic military warfare kaysa civilian consumption. Para sa mga magsasaka, sila ay pinakalooban ng karapatan upang magtago ng mga pangunahing pagkain ng mga panahong iyon.
Gayun din, ang kanilang mga polisiya upang malabanan ang lumalalang suliraning ito ay sinasabaing mahina at hindi rin epektibo sa pangkahalatan Ito ay dahilan sa isang makapangyarihang batas, ang Ordinance 703 na nilagdaan noong Setyembre 19, 1939. Kasama dito, ang isang freeze order ng mga pangunahing pagkain kasama ang mga hindi perishable food items. Ayon sa Japanese government, ito ang pinakamabisang paraan upang mabantayan ang mga presyo sa mga pamilihan noon.
Bago maisabatas ang ordinansang ito, nagkaroon ang Japan ng food inflation ng mga panahong iyon. Ang presyo ng gulay at prutas ay tumaas ng hanggang 87%. Ang seafood prices ay tumaas ng 107%. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago matapos ang masalimuot na yugto ng Japanese history.
Image credit: theatlantic.com