Japan’s trash rules challenge foreigners
By
Posted on
Nagiging hamon sa mga dayuhan sa Japan ang magkakaibang patakaran sa pagtatapon at paghihiwalay ng basura. Bawat munisipalidad ay may sariling sistema, mula sa simpleng paghihiwalay hanggang sa dose-dosenang kategorya.
Sa survey ng Albalink, 33% ng mga respondent ang nagsabing problema ang hindi pagsunod ng ilang foreign tenants sa garbage rules, kabilang ang maling paghihiwalay at pagtatapon sa hindi tamang araw.
Sa Kamikatsu, Tokushima, umaabot sa 44 kategorya ang paghihiwalay ng basura. Umabot sa 76.1% ang recycling rate nito noong fiscal 2024, kumpara sa national average na 19.3%. Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na gawing mas madaling maunawaan ng mga dayuhan ang mga patakaran.
Source: Nippon.com
