Economy

LCD TV PANELS PRODUCTION NG SHARP, ITITIGIL NA

Nagpahayag ang kumpanyang elektroniko ng Sharp na titigil ito sa paggawa ng malalaking LCD panel para sa mga TV sa katapusan ng Setyembre.
Ginagawa ng kumpanya ang mga display sa isang pabrika sa Osaka Prefecture na pinapatakbo ng subsidiary nitong Sakai Display Products.

Sinabi ng Sharp na ang desisyon ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng raw materials at gastos sa paggawa, na maaaring lumala pa ang kanilang pagkalugi sa negosyo ng LCD.
Nahirapan ang kumpanya laban sa mga karibal nitong Tsino at Timog Koreano, at pinalala pa ito ng humihinang demand sa merkado ng TV.

Babawasan din ng Sharp ang produksyon ng maliliit at katamtamang laki ng LCD panel para sa mga PC at smartphone. Ginagawa ang mga screen na ito sa isang pabrika sa central Japanese prefecture ng Mie.

Nagtala ang firm ng netong pagkalugi na halos 150 bilyong yen, o mga 960 milyong dolyar, para sa fiscal year hanggang Marso. Ito ang ikalawang taon na magkasunod na natapos ito sa pagkalugi.
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/news/20240514_28/
NHK WORLD JAPAN &TBS News
May 15, 2024

To Top