Ang wine ay naglalaman ng 5% ~ 15% ng alcohol o alak na gawa mula sa mga ubas. Hindi lamang ito naglalaman ng alcohol, ayon sa mga manunuri, ito ay mabuti rin sa kalusugan ng isang tao. Ito ay nakakatulong sa pag-iwas sa napakaraming uri ng karamdaman. Ito ay napatunayan na rin ng mga manunuri at patuloy parin pinag-aaralan ang mga benepisyo nito hanggang sa kasalukuyan.
Ang wine ay nakakatulong sa pagbaba ng timbang, pagkalimot, matibayin ang immune system at nakakapagpatibay rin ng buto. Ang benepisyo ng wine ay nakabubuti sa sinasabing “mind, soul and body”.
Sa kasalukuyang pag-aaral ng mga doctor, ang pag-inom ng ilang baso ng wine sa loob ng isang lingo ay maaaring proteksyon sa mga kababaihan at kalalakihan sa high blood pressure.
Ngunit dapat parin maging resposable ang bawat isa sa pag-inom ng produktong ito. Hindi lahat ng nakakabuti ay mabuti, dapat malaman ang limitasyon ng bawat pagkain at inuming ating kinokonsumo sa ating mga katawan. Kapag ang isang bagay ay sumobra sa limitasyon, ito rin ay nakakasama. Alamin ang masama at mabuting epekto ng wine sa kalusugan.
GOOD EFFECTS:
Food poisoning: Ang isa o dalawang baso ng red o white wine ay responsible sa pagpatay ng mga mikrobyo sa pagkain na maaaring makaapekto sa kalusugan.
Brain: Ang wine ay nakakatulong sa improvement ng brain function sa mga nakatatandang kababaihan. Ayon sap ag-aaral ng mga French, napag-alaman na ang mga kababaihang nasa edad 50 pataas na umiinom ng dalawa o higit pang baso ng wine sa araw-araw ay 2.5 times na mas tumatalim ang isip.
Arteries: Ito ay nakakatulong sa pag develop ng mga bara sa ugat sa mga binti. Tinutulungan nito ang daloy ng dugo at lumilikha ito ng good cholesterol sa katawan.
Infections: Ang red wine kumpara sa iba pang klase ng alak ay panlaban sa mga infections.
Dementia: Ito ay maaaring panlaban sa mga neurodegenerative diseases. Ang nilalaman na resveratrol na makikita sa mga ubas ay tumutulong sa pagbabago at pag-aayos ng mga ugat sa utak.
Heart attack: Ang mga manginginom ng alak ay mas mayroong mababang tsansa ng pagkakaroon ng heart diseases. Ngunit ito ay dapat nililimita. Ang pag-inom ng dalawang baso sa mga kalalakihan at isa para sa mga kababaihan ay ang pinak angkop na rami upang malabanan ang heart attack.
Eyesight: Ang tamang pag-inom ng wine at hindi ibang uri ng alak tulad ng beer or spirits ay maaaring magpababa ng tsansa sa pagkabulag.
Jogging: Para sa mga tumatakbo, at mahilig mag ehersisyo, mainam na uminom ng dalawang baso ng wine sa isang araw.
BAD EFFECTS:
Infertility: Sa mga kababaihan na umiinom ng sobra sa limitasyon ay maaaring maapektuhan ang pagbubuntis sa loob ng anim na buwan.
Sex: Sa mga kalalakihan, ang sobrang pag-inom ng alcohol ay maaring makaapekto sa performance ng isang sexual activity. Ang level ng testosterone ay maaari ring bumaba kapag sobra ang alcohol sa katawan, maaari rin magbago ang hormones at nakakaapekto sa paglaki ng dibdib.
Acne: Anumang inuming nagtataglay ng alcohol, gaya ng gin, red wine, whisky, at beer ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng acne.
Cancer: Para sa mga “heavy drinkers” at madalas ang pag-inom at konsumo ng alak, ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng cancer sa bibig, suso, atay, lalamunan, colon, at sikmura.
Breast-feeding: Ang alcohol ay maaaring maging toxic para sa mga mayroong sanggol at nagpapasuso pa at nasa ikalawang taon pa lamang, ito ay maaaring makaapekto sa utak ng bata.
Depression: Ang alcohol ay maaaring maging lunas sa pagkakaroon ng anxiety, ngunit ito rin ay maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng anxiety at depresyon kung sosobra sa tamang limitasyon.
Ito ay ilan lamang sa mabuti at masamang epekto ng wine o iba pang uri ng alcoholic drinks. Maging responsable sa pag-inom at pagkonsumo ng mga inumin sa inyong katawan. Lahat ng bagay na sumosobra ay nakakasama sa kalusugan.
Drink moderately!