Living in Japan

Trial Afternoon Nap for Japanese Students to Enhance Concentration

trial afternoon nap

Ang mga makabagong Japanese students ay tiyak na makapagbibigay sigla sa walang humpay na pagtatamasa ng Japan sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa pamamagitan ng trial afternoon nap, ang kanilang konsentrasyon sa pag-aaral ay lalong magiging kapakipakinabang para sa kanila gayun din sa kapaligiran na kanilang kinabibilangan.

Kakogawa Nap

Sa kasalukuyan, ang Kakogawa Junior High School na matatagpuan sa City ng Kakogawa Hyōgo Prefecture ay nagsasagawa ng sampung minutong pagtulog at pahinga na may layuning mahasa ang kanilang attention span at lubusang makatipid sa paggamit ng kuryente. Ito ay tinawag nilang o Kakogawa siesta. Ang unang sesyon ng siyentipikong pamamaraan na ito ay ginamit sa mga miyembro ng student council ng sila ay makipagpulong sa isang alkalde at mga miyembro ng lokal na konseho noong nakaraang taon.

Ayon sa mga mag-aaral, ang modernong teknik na ito ay nagpakita ng mga positibong epekto sa proseso ng student learning.  Kaya naman, agad itong inirekomenda na isakatuparan sa junior high school levels. Ang Kakogawa nap ay nagsisimula ng 1:05 ng hapon at nagtatapos ng 1:15 bawat araw na may pasok. Sa mga oras na yaon, ang mga ilaw ay nakapatay. Panandaliang iidlip ang lahat kasama na ang kanilang guro.

Matapos ang scientific trial na ito, ang mga mag-aaral ay sasailalim sa isang survey upang malaman kung sadyang epektibo ang nap sa kanilang kaisipan at mga pangkahalatang gawi at pagkatao.  Sa kabuuan, ang cognitive enhancement techniques ay sinasabing nakapabibigay ng ibayong sigla ng thinking processes lalo na ng analytic methods. Higit sa lahat, ang sleep ay isa mga mabisang pamamaraan para sa pag-aalis ng stress sa ating katawan.

Ang trial afternoon nap ay maaaring bago sa pandinig nating lahat. Subalit, ito ay isang natatanging sangkap ng siyensiya na kailanman ay hindi matatawaran ang angking benipisyo para sa ating lahat.

Images from en.rocketnews24.com

To Top