Culture

World War 2 Influence on the Evolution of Japan Modern Cinema Part 1

japan modern cinema

Ang sining ng pinilakang tabing ay isa sa mga pinakamakapangyarihang paraan upang maipahayag ang pagpapakita ng pagbabago sa sarili, lipunan at mga  aspeto ng kaunlaran. Sa kasamaang palad, ito ay lubos na naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit bago ang madilim ng kabanatang ito sa  kasaysayan ng Japan, ang makulay na industriyang ito ay nagsimula noong 1897. Ito ay unang isinapelikula ng magkakapatid na Auguste and Louis Lumière. Samantala, ang mga Dutch naman ang nagpakilala sa Japan ng magic lantern sa pagsapit ng 18th century. Matapos nito, naging tanyag ito sa mga Japanese villagers.

World War II

Sa panahon ng World War II, ang kanilang pamahalaan ay nagdagdag ng mga propagandas sa kanilang mga obrang pelikula. Tulad ng inaaasahan, isinalarawan ang kakaibang kapangyarihan ng Japanese Empire. Ang Japanese Home Ministry ay may may malawakang  kontrol sa lahat ng domestikong pakikipag-ugnayan ng bansa. Kabilang dito ang mga sinehan at paggawa ng mga makabuluhang pelikula.

Hindi kasama sa mga tema ng mga pelikula noong mga panahong iyon ang pagbatikos sa mga tauhan ng Japanese military at anumang may kaugnayan sa mga pagkaka-demoralize ng bansa dahil sa mga samu’t-saring dahilan.

Bilang pagpapakita ng magandang imahe ng Japan sa  mga karatig bansa nito, ang mga di umano’y pagmamalupit ng Japanese authorities ay hindi masyadong binigyang diin sa mga maimpluwensiyang pelikulang naging tanyag sa buong daigdig. Ayon sa mga dalubhasang manunulat ng kasaysayan, pinuputol ang mga bahagi ng pelikula na nagpapakita ng kalupitan ng mga Hapones.

After World World 2

Ang pag atake sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941, ang  nagbunsod ng isang masalamuot na World War II. Nasakop ng mga puwersang Amerikano ang Japan. Nagkaroon ng Nagasaki at Hiroshima atomic bombings. Sa panahon ng giyera, humina ang ekonomiya ng Japan na siyang naging dahilan ng pagbagsak ng industriya ng pelikula sa “Land  of  the Rising Sun.”

Malimit ang paksa ng mga pelikula sa panahong ito ay tungkol sa digmaan. Sumikat ang mga pelikulang “The War at Sea from Hawaii to Malaya.” Inilatag nito ang pag-atake sa Pearl Harbor.

Ano ang  nangyari sa industriya ng pelikula ng mga Hapon matapos ang World War II? Alamin sa susunod  na artikulo tungkol sa Japan modern cinema.

Image credit

To Top