Culture

Japan’s Golden Age in Cinema after World War II through Akira Kurosawa (Part 2 of Series)

Japan’s Golden Age in Cinema

Narito ang pagpapatuloy ng series tungkol sa Japan modern cinema…

Post War Years

Sa pagdating ng mga  Amerikano, pinalitan ni General Douglas Mac Arthur ang saligang batas ng Japan. Kaya naman, ang mga pelikulang ipinalabas ay ang paglaban sa mga Japanese propagandas. Sa halip, ang mga pelikulang Amerikano naman ang mga ipinalabas sa mga Hollywood studios sa buong Japan. Humigit kumulang 600 na pelikula ang ipinakalat na may tema ukol sa buhay at kultura ng mga Amerikano. Ang layuin ng mga ito ay ang pagpapakilala sa Amerika bilang isang bansa na magiging gabay ng mga mamamayan ng Japan.

Hindi matatawaran ang kasikatan ng mga ganitong uri ng pelikula. Dahil dito, iniutos ni Heneral Douglas Mac Arthur ang mga reconstruction efforts sa tulong ni W. Edward Deming. Ang isa sa mga mahalagang papel na kanyang ginampanan ay ang quality control techniques ng pelikulang Hapon. Sinanay niya ang mga inhinyero, mangers at mga scholars ukol sa statistical processes at quality control. Ayon kay Deming, mababawasan nito ang paggastos habang lumalago ang tinatawag na market share.

Japan’s Golden Age in Cinema

Noong mga panahong iyon, si Akira Kurosawa ang  kinilalang pinakatanyag na direktor. Ang kanyang pinakaunang obra ay isang judo novel. Sanshiro Sugata ang  napiling titulo nito. Matapos ang matagumpay na pagpapalabas nito, gumawa agad si Kurosawa ng isang provocative sequel. Ang paksa nito ay tumalakay sa  isang uri ng propaganda pulitikal.

Pagkalipas ng mga taon, si Kurosawa pa rin ang bida. Ginawa nya ang “Seven Samurai.” Noong 1960’s nilikha niya ang pelikulang “Yojimbo” at “Red Beard.” Sa buong kasaysayan ng Japanese filmmaking, ito ay isang di malilimutang inspirasyon ng mga makabagong Japanese filmmakers. Ngunit ang pinaka di malilimutan sa lahat ay ang mga pelikula sa nuclear tests in the Pacific noong 1954. Ang mga Hollywood na pelikula ay halaw sa mga makukulay na  likha ni Kurosawa.

Sa pagwawakas ng artikulong ito, basahin natin ang madamdaming pahayag ni Francis Coppola na magpapakita kung paano nabago ang industriya ng pelikula mula noon hanggang ngayon.  Ayon sa kanya.

One thing that distinguishes [him] is that he didn’t make one masterpiece or two masterpieces. He made, you know, eight masterpieces.” Both [Steven] Spielberg and [Martin] Scorsese have praised the older man’s role as teacher and role model—as a sensei, to use the Japanese term. Spielberg has declared, “I have learned more from him than from almost any other filmmaker on the face of the earth”, while Scorsese remarked, “Let me say it simply: Akira Kurosawa was my master, and … the master of so many other filmmakers over the years.”

Image credit: PopMatters.com

To Top