Karamihan sa ating mga ina ay nais maging maganda at sexy kahit tayo’y may mga anak na, pero minsan dahil kulang tayo sa budget ay di na natin napagbibigyan ang ating sarili at sa halip ay nagiging losyang na lang tayo. Pero salamat sa makabagong siyensya dahil sa meron na ring mga natural na pampaganda gamit ang mga bagay na matatagpuan sa kusina. Maari nating gamitin ang mga ito ng libre at hindi na kailangan pang bumili ng kung anu-anong mamahaling produkto.
Hugas Bigas
Isa sa mga madaling mahanap sa kusina ay ang hugas bigas. Matagal-tagal na rin na natuklasan ang magandang epekto ng ‘rice water’ sa maraming bagay. Ito raw ay nakakakinis at nakakaputi ng balat. Maihahalintulad ito sa pagkain na nakakalusog ng balat. Kaya naman sa iba’t ibang bansa, hindi lang sa Asya, mapapansin din natin ang pagdami ng produktong gawa sa white rice, black rice, brown rice, red rice, at iba pa. Ginagawang sabon pangkatawan, toner , hinahalo sa moisturizer, at iba pang mga cosmetics. Itinuturing ang ibang bigas (tulad ng brown rice at red rice) na exotic, kaya kung bibilhin ay may kamahalan. Ito ay garantisadong epektibo at walang kemikal na nakahalo.
Baking Soda o Cornstarch
Nariyan din ang baking soda o cornstarch. Ito ay ating mabibili sa murang halaga sa mga supermarket. Di lang ito gamit sa panluto kundi pwede din ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Narito ang ilang gamit ng baking soda at cornstarch:
- Kung oily ang iyong buhok, puwedeng maglagay ng konting corn starchat suklayin ito.
- Pwede din ito gamiting pang-body scrub kesa bumili ng napakamal na produkto sa mga supermarket.
- Ito ay natural at paniguradong makakaputi at makakapag-pakinis ng iyong balat.
- Ang baking soda ay maari ding gamiting pampaputi ng ngipin sa sepilyo. Ilagay ang baking soda sa toothbrush, kahit wag na itong lagyan ng toothpaste. Ito ay pwedeng-pwede para pumuti at kuminang ang ating mga ngipin.
O di ba? Sa murang halaga at gamit ang mga natural na pampagandang makikita sa kusina, mapapanatili ang ganda ng mga housewife!